Ang ESTA ay ang Electronic System for Travel Authorization. Hinihingi ito ng gobyerno ng Estados Unidos para sa mga bumibiyahe mula sa mga bansang sakop ng Programang Waiver ng Visa o Visa Wavier Program (VWP) na lumalahok sa VWP. Ang Mga Rekomendasyon sa Pagpapatupad ng Batas ng Komisyon ng 9/11 ng 2007 ang nag-utos sa pangangailangan sa ESTA.
Gumagamit ang ESTA ng sistemang ginawang awtomatiko upang tukuyin kung kwalipikado ba ang mga bumibiyaheng bumisita sa U.S. sa ilalim ng VWP. Gayunman, hindi nagpapasya ang programang ESTA kung ang isang bisita ay pahihintulutang pumasok sa U.S. Iyon ay pinagpapasyahan ng mga opisyal ng U.S. Customs and Border Protection (CBP) sa oras na dumating ang bisita sa Estados Unidos.
Maaari kang magsumite ng aplikasyon para sa ESTA (na humihingi ng impormasyon tungkol sa iyo, at kinabibilangan ng mga tanong tungkol sa mga bagay na maaaring makaapekto sa iyong kwalipikasyon) anumang oras bago ka bumiyahe patungong U.S. Maaari ka pa ngang makakuha ng ESTA sa paliparan kung saan ka paalis. Gayunpaman, bilang pangkalahatang patakaran, pinakamabuting mag-aplay sa mas maagang yugto ng iyong mga paghahanda sa pagbiyahe, at bago ka bumili ng mga tiket para sa iyong paglipad tungong U.S.
Mahalagang makakuha ng ESTA. Kung wala ka nito, hindi ka pahihintulutang mag-check in; ipinapatupad ang patakarang ito sa mga sanggol gayundin sa mga may sapat na gulang.
Ipinapatupad lamang ang pangangailangan sa ESTA sa mga pagdating sa pamamagitan ng himpapawid, o sa isang cruise ship; dapat ay aprubado ang tagapahatid sa himpapawid o dagat. Kung bibiyahe ka papuntang Estadong Unidos sa pamamagitan ng Mexico o Canada sa pamamagitan ng lupa, hindi mo kailangan ng ESTA. Hindi mo rin kailangan ng ESTA kung bibiyahe ka papunta sa estado ng Washington mula sa Victoria o Vancouver sa British Columbia, Canada sa pamamagitan ng lantsa.
Pinahihintulutan ka ng VWP na bumisita sa Estados Unidos nang hanggang 90 araw. Kung bibiyahe ka papunta sa Mexico, Canada, the Caribbean islands, o Bermuda mula sa U.S., ibibilang sa 90-araw na panahon ang panahong inilagi sa mga bansang iyon.
Magkasamang pinagpapasyahan ng United States Secretary of Homeland Security at ng U.S. Secretary of State kung aling mga bansa ang kabilang sa VWP. Dapat isa kang mamamayan ng mga bansang ito na sakop ng programa upang maging kwalipikado para sa waiver ng visa. Kung hindi ka mamamayan ng alinmang bansang sakop ng VWP, ngunit isang permanenteng naninirahan nito, hindi ka magiging kwalipikado.
Itinatakda ng Batas sa Imigrasyon at Nasyonalidad (Titulo 8 U.S.C. § 1187) ang mga batayang pangangailangan upang magkwalipika ang isang bansa para sa VWP. Sa partikular, tinutukoy ng Seksyon 217 (c)(2)(A) na ang antas ng pagtanggi sa mga visa para sa mga non-immigrant na bisita ay dapat maging 3% o mas mababa pa. Mahalaga rin ang mga salik tulad ng pagsunod sa batas sa imigrasyon ng U.S. at mataas na antas ng seguridad ng pasaporte.
Noong Enero 2016, binawi ang mga ESTA para sa mga dual na mamamayan ng mga sumusunod na bansa: Iraq, Syria, Iran, at Sudan. Ang mga dual na mamamayan ng mga bansang ito ay kailangang mag-aplay sa isang misyon ng U.S. para sa regular na tourist visa upang bumisita sa Estados Unidos.
Kung mayroon kang ESTA, at kung sa panahon ng iyong pagdating sa U.S. ay natukoy ng CPB na bumiyahe ka tungong Iraq, Syria, Iran, Sudan, Somalia, Libya, o Yemen noong o bago ang Marso 1, 2011, hindi ka pahihintulutang pumasok sa bansa maliban kung kwalipikado ka para sa isang waiver. Gayunpaman, hindi babawiin ang iyong ESTA.
Ayon sa mga rekomendasyon ng gobyerno ng U.S., pinakamabuting magsumite ng online na kahilingan para sa authorization nang hindi bababa sa 72 oras (tatlong araw) bago ang petsa ng iyong pagbiyahe tungo sa U.S. Karamihan ng mga aplikasyon ay naaaprubahan kaagad (sa loob ng isang minuto); rekomendasyon lamang ang 72-oras na panahon, at hindi isang pangangailangan.
Kailangan mong malaman, gayunpaman, na kung hindi ka kwalipikado para sa ESTA, kakailanganin mong dumaan sa mas mahabang proseso ng pag-aaplay para sa visa sa Embahada o Konsulado ng U.S., at posibleng kapanayamin ng isang opisyal ng konsulado ng U.S. Ayon sa ilang mga tagamasid, maaari itong magdulot ng ilang pagkaantala sa mga huling-minutong pagbiyahe tungo sa U.S. para sa negosyo, kaya dapat kang magplano nang naaayon.
Balido ang isang ESTA travel authorization nang hanggang dalawang taon. Gayunpaman, kailangan mong mag-aplay para sa bagong ESTA anumang oras na papalitan mo ang iyong pangalan, kasarian, o ang bansa kung saan ka mamamayan, o kung mayroong pagbabago sa alinman sa iyong mga sagot sa mga tanong sa kwalipikasyon na nasa aplikasyon para sa ESTA, o kung kukuha ka ng bagong pasaporte.
Pinahihintulutan ka ng ESTA na mamalagi sa U.S. at sa mga nakapaligid na bansa nang hanggang 90 araw, nang walang ekstensyon. Upang mamalagi nang mas matagal, kailangan mong mag-aplay para sa isang visa.
Ang mga opisyal ng U.S. Customs and Border Protection (CBP) ang gumagawa ng pinal na desisyon sa kung ikaw ay pahihintulutang pumasok sa Estados Unidos. Kaya nilang ipagkait o kanselahin ang iyong ESTA anumang oras sa panahon ng iyong pagbisita, kung kaya ang pagkakaroon ng ESTA ay hindi garantiya ng pagpasok sa U.S.
Ang VWP, o Programang Waiver ng Visa, ay isang programa ng U.S. sa awtorisasyon sa pagbiyahe na ipinapatupad sa mga mamamayan ng mga tukoy na bansa. Pinahihintulutan nito ang mga bisitang mula sa mga bansang iyon na pumunta sa Estados Unidos nang walang visa nang hanggang 90 araw para sa negosyo o turismo. Ang mga bisita sa ilalim ng VWP ay maaaring magbiyahe patungo sa lahat ng limampung estado, gayundin sa U.S. Virgin Islands at Puerto Rico. Mayroong limitadong pagbiyahe tungo sa iba pang mga teritoryo ng U.S. sa ilalim ng VWP.
Ang mga bansang pinipili para sa VWP ay mayroong maunlad na ekonomiya at matataas na kita, na may mataas na antas ng Indise ng Pag-unlad ng Tao. Kapag ang isang bansa ay nainomina para sa VWP, sinisimulan ng U.S. Department of Homeland Security na imbestigahan ang mga patakaran nito tungkol sa imigrasyon at (internal na) seguridad ng tinubuang bayan. Nagtatapos ang proseso ng nominasyon sa pagkakatanggap o pagkakatanggi, ngunit maaari itong magpatuloy sa loob ng hindi tiyak na haba ng panahon.
Ang nominasyon ay maaaring sundan ng katayuang "roadmap". Ang mga bansang roadmap ay karaniwang nakikipagtalakayan pa sa U.S. tungkol sa pagpasok sa VWP. Nagpapatuloy ang mga naturang talakayang roadmap mula pa noong 2005. Sa simula, kinasangkutan ang mga ito ng 19 na bansa. Ang siyam sa mga bansang ito (Argentina, Brazil, Uruguay, Poland, Romania, Bulgaria, Cyprus, Israel, at Turkey) ay sangkot pa rin sa mga naturang talakayan. Ang natitirang 10 ay bahagi na ngayon ng VWP.
Maaaring maapektuhan ng iba’t ibang kalagayan ang kwalipikasyon, at maaaring matanggal mula sa VWP ang isang bansa anumang oras. Ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkawala ng kwalipikasyon ay ang pagbabago ng mga kalagayan na, sa opinyon ng gobyerno ng U.S. ay, nagpapalaki ng posibilidad na ang mga mamamayan ng apektadong bansa ay lumabis sa pamamalagi sa panahon ng kanilang pagbisita, magtrabaho nang labag sa batas, o sa ibang paraan ay lumabag sa mga restriksyon ng VWP.
Nangangahulugan ito na ang kawalan ng katatagang pang-ekonomiya at pampulitika ay maaaring magkaroon ng hindi direktang epekto sa kwalipikasyon (bagama’t hindi itinuturing bilang mga direktang salik). Ang mga mamamayan ng mga bansang sumasailalim sa naturang kawalan ng istabilidad ay maaaring, mula sa punto-de-bista ng U.S., magkaroon ng mas malaking dahilan upang labagin ang mga tuntunin o ang kanilang visa o magtrabaho sa U.S. nang walang permiso kumpara sa mga mamamayan ng mga bansang matatag at maunlad ang politika at ekonomiya. Ang isang konsul ng U.S. ay karaniwang isasaalang-alang ang mga naturang salik kapag nagsasaalang-alang ng isang aplikasyon para sa visa.
Parehong nawalan ang Argentina (2002) at Uruguay (2003) ng kanilang kwalipikasyon sa VWP dahil sa kawalan ng istabilidad ng ekonomiya na nagresulta mula sa isang pinansyal na krisis; nag-alala ang U.S. na ang mga mamamayan ng alinman sa dalawang bansa ay maaaring maramihang dumayo at manatili nang lubhang matagal sa kanilang mga pagbisita.
Maaari ring maapektuhan ng ibang kalagayan ang kwalipikasyon sa VWP, kabilang ang pagtrato sa mga mamamayan ng U.S. na bumibiyahe tungo sa mga bansang pinag-uusapan. Ito ang lumalabas na dahilan kung bakit hindi isinama ang Israel sa VWP; kilala itong naglalagay sa mga bisitang Palestinian-American sa ilalim ng napakaistrikstong masusing pagsisiyasat, na siyang lumalabag sa pangangailangan sa tulungan.Nagsimula ang programang Waiver ng Visa sa pagpapasa ng isang batas ng Kongreso noong 1986. Ang layunin nito ay upang gawing mas madali ang maiiksing pagbisita para sa negosyo at turismo sa U.S., at upang pahintulutan ang State Department na pagtuunan ang mas malalakikng panganib. Ang unang bansang VWP ay ang UK (Hulyo, 1988); ang pangalawa ay ang Japan (Disyembre 16, 1988). Sumunod na ang The Netherlands, France, West Germany, Italy, Sweden, at Switzerland noong Oktubre 1989.
Noong 1991, idinagdag ang Spain, Denmark, Finland, Iceland, Norway, Austria, Belgium, Luxembourg, Andorra, Liechtenstein, Monaco, at San Marino sa programa. Ang New Zealand ang unang bansa mula sa Oceania na sumali noong 1991 rin. Ang Brunei ang pangalawang bansang Asyano na sumali noong 1993.
Nakapasok ang Ireland sa VWP noong Abril 1, 1995. Ang Australia at Argentina (ang unang bansang Latin American, na natanggal sa programa noong 2002) ay sumali noong 1996. Sumali ang Slovenia noong Setyembre 30, 1997. Sumali ang Singapore, Portugal, at Uruguay (natanggal noong 2003) noong Agosto 9, 1999.
Nagtatag ang administrasyong George W. Bush ng mas maraming naghihigpit na pangangailangan matapos ang mga pag-atake noong Setyembre 11. Kinabilangan ang mga ito ng batas na nag-aatas sa mga bisitang VWP na dumadating sa U.S. na magpakita ng pasaporteng machine-readable simula Oktubre 1, 2003. Ang ilang bansang VWP ay nagbibigay pa rin noon ng mga pasaporteng hindi tumutugon sa pangangailangang maging machine-readable; mahigit 33% ng mga bumibiyaheng Espanyol at Pranses ay mayroon pa ring mga pasaporteng hindi machine-readable. Bilang resulta, ibininbin ang pangangailangan sa pagiging machine-readable hanggang Oktubre 26, 2004. Gayunman, hindi ipinatupad ang pagbibinbin na ito sa Belgium, dahil nagkaroon ng malulubhang duda ang U.S. sa integridad at seguridad ng mga pasaporteng mula sa bansang iyon.
Nauna ring itinakda ng U.S. ang Oktubre 26, 2004 bilang petsa kung kalian magsisimula ang pangangailangan na lahat ng pasaporte para sa mga bisitang VWP ay dapat maging biometric. Gayunman, noong muling naitakda sa petsang iyon ang pangangailangan sa pagiging machine-readable, muling iniskedyul ng U.S. ang pangangailangan sa pagiging biometric na magsimula sa Oktubre 26, 2005. Ang petsang ito ay kalaunan inilipat sa Oktubre 26, 2006, dahil pinaniniwalaan ng EU na maraming bansa ang hindi makakasunod bago ang 2005 na petsa.
Nagkaroon ng bisa, sa wakas, ang pangangailangang maging Biometric noong Oktubre 26, 2006; ang lahat ng pasaporteng VWP na ibinigay sa petsang iyon o pagkatapos noon ay dapat maging biometric. Gayunman, noong panahong iyon, hindi pa rin nagbibigay ng mga biometric na pasaporte ang Brunei, Liechtenstein, at Andorra.
Inihayag ang ESTA (Electronic System for Travel Authorization) noong Nobyembre ng 2006. Ibinatay ito sa matagal nang programang Electronic Travel Authority ng Australia, at inilaan upang pahintulutan ang mga bisitang VWP na paunang magbigay ng impormasyon sa pagbiyahe sa gobyerno ng U.S. bago ang kanilang pagbisita. Pagkatapos ay bibigyan sila ng U.S. ng elektronikong awtorisasyon upang bumisita sa bansa (nang walang garantiya ng pagkatanggap, gayunman).
Dahil nagmula ang programa sa Australia, mahalagang tingnan ang implementasyon ng Australia sa sistema ng Electronic Travel Authority. Ang Australian ETA (Electronic Travel Authority) ay isang elektronikong visa na nakaimbak sa sistema ng kompyuter ng DIAC (Department of Immigration and Citizenship). Inaatasan ang lahat ng bumibiyahe patungong Australia na mag-aplay para sa visa (ETA man o iba pa), nang may eksepsyon sa mga New Zealander, na awtomatikong pinagkakalooban ng visa kapag nakarating sila sa Australia, sa ilalim ng mga tuntunin ng kaayusan sa Pagbiyahe ng Trans-Tasman. Nang may natatanging eksepsyon ng mga mamamayan ng NZ, epektibo nang napalitan ng ETA ang mga pagbisita nang walang visa sa Australia. Bagama’t kailangan ng mga bisitang bumili ng ETA (nang online mula sa DIAC, o mula sa isang awtorisadong airline o ahensya sa pagbiyahe), at ang Australia ang tanging bansang humihingi ng naturang pagbili para sa mga bumibisitang mamamayan ng U.S., ang proseso ay sapat na hindi pormal kaya’t tinatanggap ito ng U.S. bilang kaayusang tumutugon sa pamantayan sa kapantay na kinakailangan (ibig sabihin, siyamnapung araw na pagbiyahe nang walang visa para sa negosyo o turismo). Maraming bumibiyang European (kabilang ang mga mamamayan ng mga bansang EU) ang gumagamit ng napakakahalintulad (ngunit libreng) programang eVisitor para sa elektronikong awtorisasyon sa pagbiyahe. Sa pangkalahatan, mayroong malaking pagkakahalintulad ang sistemang eVisitor at ang pangangailangang VWP ng U.S. para sa mga bumibiyahe na mag-aplay para sa ESTA.
Dapat matugunan ng isang bumibiyahe ang mga sumusunod na pangangailangan upang magkwalipika sa Programang Waiver ng Visa:
Mula Hunyo 3, 2008, kung ikaw ay bumibiyahe patungong U.S. sa ilalim ng VWP, kailangan mong mag-aplay para sa ESTA (Electronic System for Travel Authorization) bago ka umalis papuntang U.S. Online ang proseso ng aplikasyon, at iminumungkahi, bagama’t hindi iniaatas, na ikaw ay mag-aplay nang tatlong araw (72 oras) bago ang pag-alis papuntang U.S. Ang isang ESTA ay balido para sa dalawang taon mula sa petsa ng pagbibigay nito. Ang programang ESTA ay ibinatay sa sistema ng Electronic Travel Authority na ginagamit sa Australia.
Ang layunin ng pangangailangang ito ay pahintulutan ang mga bumibiyahe na masuri laban sa mga listahan at database ng mga pinaghihinalaang terorista at mga indibidwal na hindi pinahihintulutang lumipad; ito ay pangunahing isang hakbang na panseguridad. Kailangan ang ESTA authorization para sa mga bumibiyahe sa ilalim ng VWP, ngunit sa kanyang sarili ay hindi garantiya na papapasukin ka sa U.S. Ang desisyong iyon ay nakasalalay sa mga opisyal ng CBP sa lugar kung saan ka papasok sa Estados Unidos.
Sa ilalim ng mga karaniwang kalagayan, hinihingi ng U.S. na ang pasaporte ng isang bumibiyahe ay maging balido para sa anim na buwan matapos ang petsa ng pag-alis ng bumibiyahe sa U.S. Gayunman, mayroong mga kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at ibang mga bansa sa ilalim ng kung saan ay inaalis ang pangangailangang ito.
Kung bibiyahe ka patungong U.S. sa ilalim ng VWP, ikaw ay dapat:
Tandaan na sa ilalim ng ilang mga kalagayan, pinapayo ng ilang embahada at konsulado ng U.S. sa mga bisita na mag-aplay para sa istandard na tourist visa (sa halip na ang VWP) kahit pa maaari pa ring maging kwalipikado ang bisita para sa VWP. Maaari itong mangyari kung dati ka nang natanggihang papasukin sa U.S. Maaari ka pa ring maging kwalipikado para sa VWP, ngunit maaari kang tanggihan muli maliban kung naiayos mo na ang naunang problema. Maaari ka ring payuhang mag-aplay para sa istandard na tourist visa kung ikaw ay naaresto o nahatulan sa isang krimen, bagama’t tulad ng inilalarawan sa itaas, maaaring ipatupad ang isang eksemsyon. Hindi ka lang magiging kwalipikado kung hindi mo natutugunan ang mga pangangailangang tinukoy para sa VWP.
Gayunman, kung pagpasyahan nga ng isang opisyal ng imigrasyon na tanggihan kang papasukin sa U.S., hindi ka magkakaroon ng karapatang mag-apila maliban kung mayroon kang visa, na nagpapahintulot sa iyong mag-apila sa isang hukom ng imigrasyon.
Sa ilalim ng Programang Waiver ng Visa: