United States Visa Applications
Nag-aalok kami ng libreng pagtatasa para sa VISA upang tulungan ang mga bumibiyahe patungong USA na pumili kung karapat-dapat silang pumasok sa USA sa ilalim ng Programang Waiver ng VISA o kung kailangan nilang mag-aplay para magkaroon ng VISA.Ang website ay pinatatakbo ng isang pribadong kompanyang hindi kaanib ng gobyerno ng Estados Unidos. Hindi kami nagbibigay ng mga ESTA visa o VISA.

Ang Aplikasyon para sa USA Visa ay kinabibilangan ng:

  • Mga detalyadong tagubilin sa kung paanong kukumpletuhin ang mga form sa aplikasyon
  • Impormasyon hinggil sa pagiging karapat-dapat sa USA visa
  • Impormasyon hinggil sa visa para sa mga layuning pangturismo, pangnegosyo at medikal
  • Paano maghahanda para sa panayam para sa visa sa Embahada o Konsulado ng U.S.
  • Listahan ng mga pinakakaraniwang katanungan sa panayam para sa visa
  • Paano pahahabain ang iyong pamamalagi sa Estados Unidos matapos mong makarating
  • Paano papalitan ang iyong katayuan sa Estados Unidos matapos mong makarating
  • Impormasyon hinggil sa Waiver ng Visa kabilang ang mga kwalipikadong bansa

Maaaring tumagal ang proseso ng aplikasyon para sa USA visa nang ilang linggo o buwan, depende kung gaano ka kabilis makakakuha ng appointment sa Embahada o Konsulado ng U.S. Inirerekomenda na simulan mo ang proseso sa pinakamaaagang maaari. Maaari kang mag-aplay para sa USA visa kahit wala ka pang planong pumunta sa Estados Unidos sa nalalapit na hinaharap. Hindi mo kailangang magbigay ng mga partikular na petsa ng pagbiyahe kapag mag-aaplay para sa USA Visa. Ang mga visa ng Estados Unidos ay karaniwang balido mula 1 hanggang 10 taon.

IMPORMASYON SA RENEWAL NG USA VISA

Kwalipiksyon sa Tourist Visa ng Estados Unidos

Hindi nagbibigay ang Estados Unidos ng pormal na proseso ng renewal ng B-1 o B-2 sa mga embahada o konsulado nito. Sa halip, anumang renewal o pagpapahaba ng visa ay itinuturing bilang aplikasyon para sa bagong visa, na may parehong mga pamamaraan at pangangailangan sa aplikasyon ng naunang visa. Ang pagsusumite ng aplikasyon para sa bagong B-1 o B-2 visa ay nagkakwalipika bilang renewal.

Gayunman, ang ilang piling Embahada at Konsulado ng Estados Unidos ay may Mga Pamamaraan sa Muling Paggamit at Pagbibigay ng Visa, na nagpapabilis sa proseso ng aplikasyon para sa visitor visa kung nagkaroon na ng visa ang may-ari bago iyon. Ang mga alituntunin para sa mga pamamaraang ito ay available sa Gabay sa Aplikasyon para sa Renewal ng Visa.

Kwalipikasyon at Mga Kinakailangan para sa Renewal ng Visa

Walang restriksyon sa renewal para sa visitor visa ng Estados Unidos: Dahil walang partikular na proseso sa renewal ng visa, sinumang bisita na mayroon o nagkaroon ng visitor visa tungo sa Estados Unidos ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa bagong visa.

Gayunman, ang mga aplikasyon para sa mga kasunod na visa ay maaaring pabilisin o magsangkot ng mas kaunting kinakailangan, laluna sa mga bisitang nakapagtatag na ng positibong naunang record sa pamamagitan ng pagkakaroon ng U.S. visa sa loob ng ilang taon at pagbiyahe papunta at mula sa Estados Unidos nang maraming beses nang hindi lumalabis nang pamamalagi batay sa termino ng kanilang visa. Maaaring iurong ang panayam para sa visa, at maaaring gawing magagamit ang mga espesyal na pinabilis na pamamaraan sa ilang piling embahada o konsulado sa ilalim ng Mga Pamamaraan sa Muling Paggamit at Pagbibigay ng Visa.

Maaari ba akong bumiyahe kung balido ang aking visa ngunit wala nang bisa o expired na ang aking pasaporte?

Balido ang isang visa hanggang sa petsa ng pagkawala ng bisa nito maliban kung naikansela ito. Maaaring ikumbina ang mga balidong U.S. visitor visa na nasa expired na pasaporte sa iyong bago at balidong pasaporte at magagamit pa rin upang pumasok sa Estados Unidos. Para sa mga partikular na tagubilin sa pagbiyahe gamit ang balidong visa na nasa expired na pasaporte, sumangguni sa Gabay sa Aplikasyon para sa Renewal ng Visa.