United States Visa Applications
Nag-aalok kami ng libreng pagtatasa para sa VISA upang tulungan ang mga bumibiyahe patungong USA na pumili kung karapat-dapat silang pumasok sa USA sa ilalim ng Programang Waiver ng VISA o kung kailangan nilang mag-aplay para magkaroon ng VISA.Ang website ay pinatatakbo ng isang pribadong kompanyang hindi kaanib ng gobyerno ng Estados Unidos. Hindi kami nagbibigay ng mga ESTA visa o VISA.
 

PATAKARAN SA PAGKAPRIBADO

 

Seryosong pinahahalagahan ng usavisa.com (“ang aming website” o “ang website na ito”) ang proteksyon ng iyong pribadong impormasyon. Kung kaya, ipinapaliwanag ng Patakaran sa Pagkapribado na ito nang detalyado kung anong impormasyon ang aming kinokolekta at kung bakit namin ito kinokolekta, paano namin ginagamit ang mga ito at kung ano ang iyong mga pagpipilian tungkol sa iyong hindi personal at personal na impormasyon.

Kinukuha lamang ang personal na impormasyon kapag pipiliin mong kontakin kami, habang ang hindi personal na impormasyon ay awtomatikong kinukuha habang ikaw ay nasa aming website. Sa paggamit ng aming website, tinatanggap mo ang mga nakasanayang inilalarawan sa Patakaran ng Pagkapribadong ito.

Kung mayroon kang anumang katanungan hinggil sa aming patakaran, mangyaring huwag mag-atubiling kumontak sa amin sa info@usavisa.com o tawagan kami sa +1888-380-8623.

Hindi Personal na Impormasyon

Sa panahon ng iyong pagbisita sa aming website, mangongolekta kami ng mga hindi personal na impormasyon, kabilang ang pangalan ng ginamit mong domain (.com, .ede), ang nagsangguning website (nagsangguning pahina o search engine), mga pahinang iyong binisita, ang petsa at oras na inakses mo ang website, anong uri ng browser ang iyong ginamit at kung mula sa aling bansa ka nag-log on sa aming website. Pinahihintulutan kami ng impormasyong ito na gawing mas madaling gamitin ang website at pahusayin ang iyong karanasan sa aming website. Nangongolekta lamang kami ng mas malaking data upang makatulong sa pagpapahusay ng paggana ng aming website at aming serbisyo.

Personal na Impormasyon

Maaari lamang naming kolektahin ang iyong personal na impormasyon kapag boluntaryo mong ibinigay sa amin ang mga iyon, ngunit sa paggawa nito, ibinibigay mo sa amin ang permisong gamitin ang impormasyong ito para sa ipinahayag na layunin. Gagamitin lamang naming ang iyong impormasyon upang ibigay sa iyo ang hinihiling mong impormasyon o upang sumagot sa iyong mensahe.

Paano Kami Kokontakin

Maaari mong ibahagi ang iyong personal na impormasyon sa email o sa tawag sa telepono. Gagamitin namin ang ibibigay na impormasyon upang sumagot sa iyong hiling o pabutihin ang serbisyong ibinibigay namin sa iyo. Sa ilang kaso, maaari naming ipadala ang iyong email sa ahensya ng gobyerno ng U.S., kung mapagpapasyahan naming matutugunan ng kanilang serbisyo ang iyong mga pangangailangan.

Proteksyon ng Impormasyon at Walang Pagbabahagi ng Impormasyon

Napakahalaga para samin ng seguridad ng iyong pribadong impormasyon. Kung kaya, mayroon kaming mahigpit na mga pamamaraan na nangangalaga sa iyong data. Gumagamit kami ng mga administratibo, teknikal at organisasyonal na hakbang upang protektahan ang iyong impormasyon. Gayunman, ang pagpapadala ng data sa Internet ay hindi kailanman 100% ligtas at kung mayroon kang anumang dahilan upang maniwalang nakompromiso ang seguridad, mangyaring abisuhan kami kaagad. Pakitandaan na hindi kami lumalahok sa anumang affiliate membership at hindi ibibigay ang iyong personal na impormasyon sa anumang ikatlong partido para sa anumang dahilan, maliban sa utos ng hukuman.

Impormasyong Nakokolekta Mula sa Cookies

Ang cookie ay isang text file na itinatabi ng website sa iyong device (tablet, smartphone o kompyuter) at ginagamit upang subaybayan ang impormasyon kapag bumibisita ka sa isang website.

Mayroong dalawang uri ng cookie:

Session: Ang mga session cookie ay tumatagal sa panahong bukas ang iyong browser. Kapag isinara mo ang browser, mabubura ang cookie. Ang mga session cookie ay pangunahing ginagamit para sa mga teknikal na layunin at upang tulungan ang may-ari ng website na pahusayin ang paggana ng website.

Persistent: Ang mga persistent cookie ay itinatabi sa hard drive ng user at hindi mabubura kapag isinara mo ang iyong browser. Pangunahin silang ginagamit upang tukuyin ang bilang ng mga natatanging pagbisita sa website.

Madali mong mapapatay ang mga cookie sa iyong browser at maaakses mo pa rin ang lahat ng impormasyon, ngunit maaaring magbago ang paggana ng website. Pakitandaan na kapag pinatay mo ang mga cookie sa iyong browser, maaapektuhan nito ang lahat ng website.

Paano Magbura ng Cookies

Maaaring tanggalin ng mga bisitang gumagamit ng aming website ang cookie na inilalagay sa kanilang kompyuter sa pamamagitan ng pagbubura ng cookies sa kanilang browser. Mayroong iba’t ibang pamamaraan ang iba’t ibang browser, ngunit laging magkapareho ang prinsipyo. Kung gusto mo ng partikular na tagubilin sa kung paanong magbura ng cookies, bisitahin ang link na ito.

Awtomatikong mabubura ang impormasyon ng mga bisitang kumokontak sa amin sa email pagkalipas ng 90 araw. Gayunman, kung nais mong mas maagang mabura ang nilalaman ng iyong email, mangyaring huwag mag-atubiling kontakin kami.

Panahon ng Pagpapanatili

Maliban kung hinihingi o pinahihintulutan ng batas ang mas mahabang panahon ng pagpapanatili, pananatilihin lamang naming ang iyong pribadong impormasyon sa loob ng panahong kinakailangan upang tugunan ang layuning partikular na ibinalangkas sa Patakarang ito.

Paglilipat na Lampas sa Mga Hangganan

Maaari naming iimbak at iproseso ang iyong personal na impormasyon sa alinmang bansa kung saan mayroon kaming mga pasilidad. Sa pamamagitan ng paggamit ng aming website, pinahihintulutan mo kaming ilipat ang impormasyon sa alinmang bansa na labas sa bansa kung saan ka naninirahan.

Sensitibong Impormasyon

Pinapayuhan ka naming iwasang magpadala sa amin ng sensitibong impormasyon, tulad ng mga politikal na opinyon, etnikong pinagmulan, relihiyon, kriminal na background, kalusugan, atbp.

Mga Eksternal na Link

Ang lahat ng eksternal na link sa aming website ay nagsisilbi lamang upang magbigay ng higit pang impormasyon tungkol sa aming serbisyo o iba pang mga website na inirerekomenda namin. Hindi namin inaaprubahan o ineendorso ang anumang serbisyo o produkto ng alinmang link ng ikatlong partido. Hindi kami maaaring papanagutin para sa nilalaman o mga serbisyo ng alinmang site ng ikatlong partido at mahigpit na inirerekomenda ang pagbabasa ng kanilang mga tuntunin at kondisyon bago magsagawa ng anumang aksyon.

Kung papasok ka sa aming website sa pamamagitan ng mga website ng ikatlong partido, mangyaring tandaan na wala kaming anumang kaugnayan sa mga website na ito. Hindi kami maaaring papanagutin para sa anumang paggamit ng serbisyo o nilalaman ng mga naturang website. Muli, mahigpit naming inirerekomendang basahin ang kanilang mga tuntunin at kondisyon bago gumawa ng anumang desisyon. Ang lahat ng aming eksternal na link ay nasuri upang tiyaking hindi sila saklaw ng anumang paglabag sa batas, ngunit hindi kami magiging responsable sakaling umiral ang naturang paglabag.

Pagiging Kompidensyal

Hindi naming ibinabahagi ang iyong impormasyon sa anumang ikatlong partido. Nakikipagtulungan kami sa mga pinakakagalang-galang na kompanya ng hosting upang tiyaking ligtas at sigurado ang iyong data.

Mga Pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado

Mayroon kaming karapatang baguhin ang nilalaman ng Patakaran sa Pagkapribado anumang oras na hinihingi ng mga kalagayan ang mga naturang pagbabago. Kapag at kung magsasagawa kami ng mga karagdagang pagbabago, ilalagay naming ang petsa, kaya’t maaari mong itsek lamang ang petsa ng huling pagbabago ng Patakaran sa Pagkapribado sa pana-panahon upang tiyaking ikaw ay sapat na may kabatiran. Sa paggamit ng aming website, sumasang-ayon ka sa aming Patakaran sa Pagkapribado. Kung mayroon kang mga katanungang may kaugnayan sa aming Patakaran sa Pagkapribado, mangyaring magpadala ng email sa aming team sa pagseserbisyo sa kostumer sa: info@usavisa.com

Pagtatatuwa

Bagama’t ginawa namin ang lahat ng hakbang upang magbigay ng kumpleto at tumpak na impormasyon, hindi namin ginagarantiya na walang mangyayaring error. Higit pa rito, hindi maaaring legal o sa anumang iba pang paraan na panagutin ang usavisa.com para sa pagiging magagamit at pagkatumpak ng impormasyon sa aming website. Gumagamit kami ng mga espesyal na programa upang pigilan ang hindi awtorisadong pagtatangkang pasukin ang aming website at gamitin ang impormasyon nito. Ang mga hindi awtorisadong pagtatangkang baguhin ang anumang impormasyon ay mahigpit na ipinagbabawal. Maaari lamang naming ibahagi ang iyong impormasyon sa mga awtorisadong opisyal ng pagpapatupad ng batas.

Huling binago: 9 Agosto 2016