Bibisita sa Estados Unidos?
Nagbabalak ka bang maglakbay patungong Estados Unidos ngayong bakasyon, para sa pangangalakal, o pangkalusugang kadahilanan? May dalawang pamamaraan para makarating sa Estados Unidos:1. Mag-aplay para sa bisang E.U.A sa Emhabada o Konsulado ng E.U sa iyong lugar o saan mang banyagang bansa.
2. Pumasok sa Estados Unidos sa ilalim ng Visa Waiver Program. Upang makarating sa Estados Unidos sa ilalim ng Visa Waiver Program, ang aplikante ay dapat mamamayan ng bansang Visa Waiver at mayroon itong balidong awtorisasyon sa paglalakbay sa Estados Unidos.
TUNGKOL SA MGA BISA SA EUA
Karamihan sa mga bumibisita sa Estados Unidos ay pumapasok na may EUA Bisa sa Paglalakbay, kung saan karaniwang tunay ito mula 1 pataas hanggang 10 taon sa panahong iyon. Ang bisang EUA ay ibinibigay sa dayuhan upang magkaroon ng pagkakataon na makapaglakbay patungong Estados Unidos at himingi ng pahintulot na makapasok. Napakahalagang maunawaan na ang inaprobahang EUA aplikasyon ng bisa ay hindi nagbibigay ng katiyakang ikaw ay mapahihintulutang makapasok sa hangganan ng Estados Unidos. Gayunman, karamihan sa mga bisita ay pinapayagang makapasok. Pagdating sa hangganan ng E.U, ikaw ay tatanungin ng sunod-sunod na mga katanungan ng Opisyal sa Imigrasyon. Ang mga tanong ay kaugnay sa layunin ng pagbisita mo sa Estados Unidos, ang tagal ng iyong pananatili, Kung mayroon kang sapat na pananalapi para mabayaran ang mga gastusin, at kung mayroon kang tiket pabalik. Mahalagang maunawaan na ang balidong bisa o ang aprobradong awtorisasyon sa paglalakbay ay kinakailangan para sa pagtigil sa paliparan at pantubig na sasakyan.
I-download ang panuntunan sa aplikasyon ng EUA Bisa.
Ang website na ito ay inihandog upang magbigay ng tulong sa mga aplikante ng EUA bisa na nangangailangan upang maging matagumpay ang pag-aplay para sa EUA bisa at makapasok sa Estados Unidos. Hindi namin matitiyak na ang inyong bisa ay maaaprobahan, subalit maigagarantiya namin na kung susundin ninyo ang mga alituntunin ay magiging ganap kang handa. Ang aming patnubay sa aplikasyon ng bisa ay nagpapaliwanag ng detalye kung paano kukumpletuhin ang porm na aplikasyon, paano magpatala at maghanda para sa iyong panayam sa Embahada ng E.U o Konsulado, at higit sa lahat ay ano ang maaasahan mo sa hangganan ng E.U. Nais namin na ang inyong paglalakbay patungong Estados Unidos ay kasiya-siya, at walang pag-aalaala na ang aplikasyon sa bisa ang unang hakbang.
Bigyan mo ang sarili mo ng panahon! Ang aplikasyon para sa Bisang EUA ay tumatagal ng maraming lingo o kahit mga ilang buwan. Ang pagka-antala ay karaniwang kaugnay sa pagtatakda ng panayam at pagbibigay ng mga karagdagang mga kasulatan. (Kung hihilingin mula sa Embahada ng E.U o Konsulado). Mainam na ipinapayo na magsimula sa proseso ng aplikasyon sa lalong madaling panahon.

